Ayon sa PAGASA ang landfall ng bagyo ay sa pagitan ng tanghali hanggang hapon ngayong Huwebes, May 14.
Ngayong araw na ito, ang bagyo ay naghahatid na ng heavy hanggang intense at kung minsan ay torrential rains sa Samar Provinces.
Moderate hanggang heavy naman at kung minsan ay intense rains na ang nararanasan sa Sorsogon, Albay, Catanduanes, Masbate, at nalalabi pang bahagi ng Eastern Visayas.
Bukas, May 15 araw ng Biyernes, ang bagyo ay magdudulot na ng heavy hanggang intense at kung minsan ay torrential rains sa Bicol Region.
Moderate hanggang heavy at kung minsan ay intense rains sa Northern Samar, Quezon, Aurora, Marinduque, at Romblon.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na gumawa na ng paghahanda at makipag-ugnayan sa kanilang local disaster risk reduction and management offices.