Typhoon Ambo lumakas pa; Signal No. 3 nakataas na sa maraming lugar sa Samar

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2020 - 05:46 AM

Lalo pang nadagdagan ang lakas ng Typhoon Ambo habang papalapit ito sa Northern Samar.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 230 kilometers east ng Catarman, Northern Samar.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 185 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.

Itinaas na ang ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal sa sumusunod na mga lugar:

Signal Number 3:
Northern portion ng Eastern Samar
– Jipapad
– Arteche
– Maslog
– Dolores
– Oras
– San Policarpio
– Can-avid
– Taft

Northern portion ng Samar
– Calbayog City
– Sta. Margarita
– Gandara
– Pagsanghan
– San Jorge
– Matuguinao
– San Jose de Buan

Signal No. 2
– Catanduanes
– eastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Calabanga, Bombon, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, Pamplona, Naga City, Milaor, San Fernando, Minalabac, Pili, Ocampo, Tigaon, Bula, Baao, Sagñay, Iriga City, Buhi, Nabua, Balatan, at Bato)
– Albay
– Sorsogon
– northern portion ng Masbate (San Pascual, Claveria, Monreal, San Jacinto, San Fernando, Batuan, Aroroy, Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, at Pio V. Corpuz)
– Burias at Ticao Islands
– central portion ng Samar (Tarangan, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Hinabangan, Tagapul-an, Almagro, at Sto. Niño)
– central portion ng Eastern Samar (Sulat, San Julian, Borongan City, at Maydolong)

SIGNAL NO. 1
– Cavite
– Laguna
– Batangas
– Rizal
– Quezon
– Marinduque
– eastern portion ng Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, at San Fernando)
– Camarines Norte
– nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– nalalabing bahagi ng Masbate
– Biliran
– nalalabing bahagi ng Samar
– nalalabing bahagi ng Eastern Samar
– northern portion ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Villaba, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Jaro, Alangalang, Sta. Fe, Tacloban City, Palo, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, at Tolosa).

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay maghahatid na ngayong araw ng heavy hanggang intense at kung minsan at aabot pa ng torrential rains sa Samar Provinces.

Moderate hanggang heavy rains naman at kung minsan ay intense rains ang ihahatid nito sa Sorsogon, Albay, Catanduanes, Masbate, at iba pang bahagi ng Eastern Visayas.

Ngayong tanghali hanggang hapon ay tatama ang typhoon Ambo sa kalupaan ng northeastern portion ng Northern Samar.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.