Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 343

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 343 ang kabuuang kaso (Miyerkules, May 13 6PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 59
Los Baños – 41
Calamba – 34
Biñan – 32
Santa Rosa – 30
Cabuyao – 21
San Pablo – 19
Santa Cruz – 19
Bay – 16
Pila – 11
Calauan – 8
Victoria – 6
Nagcarlan – 6
Liliw – 6
Lumban – 6
Pagsanjan – 5
Alaminos – 4
Kalayaan – 4
Majayjay – 4
Cavinti – 3
Magdalena – 2
Pakil – 2
Paete – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Rizal – 1

Nanatili sa 30 naman na ang bilang ng mga nasawi at 180 ang naka-recover.

Samantala, nasa 1,124 naman ang bilang ng suspected cases at 67 ang probable cases.

 

 

Read more...