COVID-19 cases sa Navotas City, umakyat na sa 89

By Angellic Jordan May 14, 2020 - 12:10 AM

Nadagdagan pa nang siyam ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco base sa update hanggang 4:00, Miyerkules ng gabi (May 13), naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na barangay:
– NBBS Proper – 2
– BBN – 1
– Sipac – 1
– Bangkulasi – 1
– Daanghari – 1
– BBS – 1
– NBBN – 1
– NBBS Kaunlaran – 1

Dahil dito, umakyat na sa 89 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 50 ang naka-confine sa mga pagamutan o nakasailalim sa home quarantine.

Samantala, ang bilang ng nasawi sa Navotas City bunsod ng nakakahawang sakit ay 19 na.

Isa namang pasyente ang gumaling dahilan kaya ang total recoveries ay 20 na.

TAGS: COVID-19 cases in Navotas City, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 cases in Navotas City, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.