Bagyong Ambo, isa nang Typhoon; Signal no. 2, itinaas na sa ilang lugar

By Angellic Jordan May 14, 2020 - 12:09 AM

Lumakas pa ang Bagyong Ambo at isa nang Typhoon, ayon sa PAGASA.

Sa severe weather bulletin bandang 11:00, Miyerkules ng gabi (May 13), ganap na naging Typhoon ang sama ng panahon bandang 8:00 ng gabi.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 245 kilometers East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar o 325 kilometers Silangang bahagi ng Catarman, Northern Samar.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Northern Samar
– northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Can-avid, Taft)
– northern portion ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanjan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan)

Signal no. 1:
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Catanduanes
– Masbate
– nalalabing bahagi ng Eastern Samar
– nalalabing bahagi ng Samar
– Biliran

Sa araw ng Huwebes, inaasahang iiral ang katamtaman hanggang mabigat na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate.

Sinabi ng weather bureau na mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng mga lugar na nakasailalim ng TCWS.

TAGS: AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, weather update May 13, AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, weather update May 13

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.