Mocha Uson, pinagpapaliwanag ng NBI ukol sa umano’y fake news
Pinadalhan ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Margaux “Mocha” Uson dahil sa reklano ukol sa fake news.
Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin, iniimbestigahan si Uson ng Cybercrime Division dahil sa umano’y fake news.
Ito ay may kinalaman sa isang post ni Uson kaugnay sa binili umanong personal protective equipment ng Department of Health (DOH).
Ngunit sinabi ng ilang netizens na ang ipinost na larawan ng PPE ay galing sa isang pribadong kumpanya.
Matatandaang humingi ng paumanhin si Uson at binura ang nasabing post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.