Walo pang kaso ng COVID-19, naitala sa Bataan

Nasa walo pang residente ang tinamaan ng COVID-19 sa Bataan.

Sa update hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (May 13), umakyat na sa 119 ang confirmed COVID-cases sa lalawigan.

Nadagdagan din ang isa ang bilang ng mga gumaling.

Dahil dito, ang recoveries sa nasabing pandemiya sa Bataan ay 43 na.

Nasa anim katao naman ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Samantala, umabot na sa 2,245 ang sumailalim sa pagsusuri sa Bataan.

Sa nasabing bilang, 1,609 ang lumabas na negatibo sa COVID-19 pandemic.

Read more...