58 pang health workers na nagpositibo sa COVID-19; Kabuuang bilang, 2,125 na – DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) na nadagdagan nang 5i ang bilang ng healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umakyat na sa 2,125 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang May 12.
Sa nasabing bilang, 1,421 ang aktibong kaso kung saan 394 ang asymptomatic, 1,021 ang mild, lima ang may severe condition at isa ang kritikal.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 642
– Nurse – 779
– Nursing Assistant – 132
– Medical Technologist – 73
– Radiologic Technologist – 40
Nasa 221 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Sinabi ni Vergeire na paunti na nang paunti ang bilang ng napapaulat na health workers na tinatamaan ng COVID-19.
Samantala, 669 na ang gumaling na health worker habang 35 na ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.