Bagyong Ambo lumakas pa, isa nang Severe Tropical Storm – PAGASA

By Angellic Jordan May 13, 2020 - 05:58 PM

Lumakas pa ang binabantayang Bagyong Ambo at isa nang ganap na Severe Tropical Storm.

Batay sa severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng Bagyong Ambo sa layong 315 kilometers Silangang bahagi ng Borongan City, Eastern Samar bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (May 13).

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Sorsogon
– Ticao Island
– Catanduanes
– southern portion ng Albay (Oas, Tabaco, Ligao City, Pio Duran, Guinobatan, Malilipot, Jovellar, Camalig, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-rapu, Daraga, Legazpi, Manito)
– Northern Samar
– northern portion ng Samar (Calbayog, Sta. Margarita, Gandara, Matuguinao, Pagsanghan, San Jorge, San Jose De Buan, Tarangnan, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, San Sebastian, Paranas, Hinabangan)
– northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Oras, San Policarpio, Dolores, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City)

Ayon sa PAGASA, makararanas ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Eastern Visayas.

Inaasahan naman ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate sa araw ng Huwebes, May 14.

Bunsod nito, inabisuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar ukol sa precautionary measures, makipag-ugnayan sa local disaster risk reduction and management offices at patuloy na magbantay sa update ukol sa bagyo.

TAGS: AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Severe Tropical Storm Ambo, AmboPH, Bagyong Ambo, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Severe Tropical Storm Ambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.