88 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA

Nasa 88 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 13, 757 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa 2,310 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,284 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Samantala, 269 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 682 na kaso.

Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 673 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 534 naman ang kaso sa Americas at 421 sa Asia Pacific Region.

Read more...