Sa abiso bandang 3:00, Miyerkules ng hapon (May 13), ito ay base sa severe weather bulletin no. 8 ng PAGASA kung saan makararanas ng katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Huwebes, May 14, bunsod ng Tropical Storm Ambo.
Dahil dito, inirekomenda ng Phivolcs na maging alerto at handa ang mga komunidad sa pre-determined zones ng lahar hazards sa Bulkang Mayon.
“Prolonged and heavy rainfall may generate post-eruption lahars on major channels draining the Mayon Volcano edifice by incorporating loose material from thick pyroclaastic density current (PDC) deposits and remnant ashfall from the January-March 2018 eruption,” pahayag ng ahensya.
Dahil dito, nagbabala ang Phivolcs sa posibleng lahar ay sediment-laden streamflows sa lahat ng river channels sa Bulkang Mayon bunsod ng posibleng mahaba at mabigat na pag-ulan.
“Communities and local government units beside these drainage are advised to be additionally vigilant and to move residents to high ground should heavy rains occur,” ayon pa sa Phivolcs.