Mga kumpanya ng langis, may big-time rollback bukas

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2016 - 07:20 AM

(updated) Oil photo genericMagpapatupad ng big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.

Sa abiso ng mga oil companies, posibleng umabot sa halos P2.00 ang ibabawas sa presyo ng gasolina.

Tinatayang maglalaro sa P1.50 hanggang P1.75 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Habang sa presyo naman ng kada litro ng diesel, tinatayang nasa P0.60 hanggang P0.75 ang mababawas.

May rollback din sa presyo ng kerosene na aabot sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro.

Unang nag-anunsyo ng rollback epektibo bukas ng umaga ang kumpanyang Shell.

Ayon sa Shell, alas 6:00 ng umaga bukas, babawasan nila ng P1.40 kada litro ang presyo ng gasolina, P.70 ang presyo ng kada litro ng diesel at P.90 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.

 

TAGS: oil price rollback tomorrow, oil price rollback tomorrow

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.