Bilang ng nahuling home quarantine violators sa Navotas City, 1,573 na

Nadagdagan ang bilang ng mga nahuhuling lumabag sa home quarantine sa Navotas City.

Sa update ng Navotas City government, 40 ang naaresto mula May 11 hanggang 6:00 ng umaga ng May 13.

Dahil dito, umabot na sa 1,573 ang mga lumabag sa home quarantine simula March 20 hanggang May 13.

Samantala, siyam na menor de edad naman ang nahuli mula May 11 hanggang 6:00 ng umaga ng May 13.

Kung kaya umakyat na sa 692 ang mga lumabag na menor de edad sa home quarantine simula March 20 hanggang May 13.

Read more...