Mahigit 500 OFWs, nawalan na ng trabaho sa Qatar

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2016 - 07:13 AM

OFWsNaapektuhan ng retrenchment ang mahigit 500 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagta-trabaho sa government–run companies sa Qatar.

Ayon kay Philippine Ambassador to Qatar, Wilfredo Santos, ang mga naapektuhang OFWs ay binigyan ng two-month notice of termination para mabigyan silang pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho.

Ayon kay Santos, malaki ang epekto ng pagbagsak ng halaga ng krudo sa world market sa mga OFWs sa Qatar dahil ang nasabing bansa ay major producer ng natural gas.

Sa kabila nito, marami pa rin naman sa mga OFWs sa Qatar ang hindi apektado dahil hindi naman sa langis lang nakadepende ang income ng nasabing bansa.

Sa datos, aabot sa 200,000 na mga pinoy ang nagta-trabaho sa Qatar.

Ayon kay Santos, wala pa namang pribadong kumpanya na nagpatupad ng retrenchment sa bansa.

Sa kabila ng retrenchment, marami pa rin aniya ang job opportunities para sa mga skilled workers gaya ng architects, engineers, pharmacists at health-care professionals.

TAGS: OFWs in Qatar affected by retrenchment, OFWs in Qatar affected by retrenchment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.