Iba pang lider ng Kamara suportado ang posisyon ni Speaker Cayetano sa ABS-CBN franchise

By Erwin Aguilon May 13, 2020 - 12:31 PM

Suportado ng iba pang lider ng Kamara ang posisyon ni Speaker Alan Peter Cayetano na dapat unahin ang kapakanan ng mga tao sa panahon ng krisis.

Ayon kina Deputy Speakers Roberto Puno, Raneo Abu at Dan Fernandez, madedesisyunan lamang ang kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng patas na pagdinig at walang pressure mula sa anumang grupo.

Sinabi ni Fernandez na kinatawan rin ng Laguna na mananatili sa modified enhanced community quarantine, mas prayoridad ng Kongreso ang interes ng mga Pilipino na makaligtas sa mga hamon ng COVID-19 pandemic.

Sabi naman ni Puno na hindi nila nakakalimutan ang kanilang responsibilidad sa usapin ng ABS-CBN franchise pero mas importante ngayon na tutukan ang pagliligtas ng buhay at tulungang makabangon ang mga negosyo.

Sinegundahan ito ni Abu at iginiit na hindi naman agarang mareresolba ang isyu ng ABS-CBN kahit magtakda ng pagdinig ang Kamara.

Hindi anya maaaring apurahin ng Kongreso ang proseso nang hindi naririnig ang lahat ng panig hindi lang ang mga pabor na mabigyan ng prangkisa ang network kundi maging ang mga tutol para matiyak na tama ang magiging desisyon ng kapulungan sa bagay na ito.

 

 

 

 

TAGS: ABS-CBN, Alan Cayetano, franchise, house speaker, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, Alan Cayetano, franchise, house speaker, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.