Ayon kay Quimbo, kAilangang unahain ang PESA 2020 dahil mas maraming micro-small and medium enterprises ang matutulungan dito na mapanatili ang pagnenegosyo at mga empleyado.
Sinabi naman ni Albay Rep. Joey Salceda, sa ilalim ng immediate response ng economic stimulus, kasama sa mga tulong na maibibigay ang 50% hanggang 75% na dalawang buwang wage subsidy para sa mga natigil sa trabaho kabilang na ang mga freelancers, self-employed at OFWs.
Dagdag pa dito ang zero interest na pagpapautang sa mga MSMEs, tulong sa mga estudyante para sa pagpapatuloy ng pagaaral, loan extension, regulatory relief, at cash for work.
Inaasahang 1 million na MSMEs at 3.6 million jobs ang mapapanatili sa ilalim ng economic stimulus plan habang 5.4 million na trabaho naman sa turismo.
Sa panawayan ng Department of Finance sa Kongreso hiniling nito na ipasa ang CITIRA na mabisa umanong economic stimulus response ngayong pandemic para mahikayat ang mga mamumuhunan at makapagbigay ng trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay ngayong may national crisis dahil sa COVID-19.
Unang naaprubahan sa Kamara ang CITIRA habang nakabinbin pa rin ito sa Senado.