P1.3T PESA mas dapat unahin kaysa sa CITIRA

By Erwin Aguilon May 13, 2020 - 12:18 PM

Iginiit ni Marikina Rep. Stella Quimbo na dapat unahin ang pagapruba sa P1.3 Trillion Philippine Economic Stimulus Act of 2020 o PESA sa halip na ipasa ang tax reform package na Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (Citira).

Ayon kay Quimbo, kAilangang unahain ang PESA 2020 dahil mas maraming micro-small and medium enterprises ang matutulungan dito na mapanatili ang pagnenegosyo at mga empleyado.

Sinabi naman ni Albay Rep. Joey Salceda, sa ilalim ng immediate response ng economic stimulus, kasama sa mga tulong na maibibigay ang 50% hanggang 75% na dalawang buwang wage subsidy para sa mga natigil sa trabaho kabilang na ang mga freelancers, self-employed at OFWs.

Dagdag pa dito ang zero interest na pagpapautang sa mga MSMEs, tulong sa mga estudyante para sa pagpapatuloy ng pagaaral, loan extension, regulatory relief, at cash for work.

Inaasahang 1 million na MSMEs at 3.6 million jobs ang mapapanatili sa ilalim ng economic stimulus plan habang 5.4 million na trabaho naman sa turismo.

Sa panawayan ng Department of Finance sa Kongreso hiniling nito na ipasa ang CITIRA na mabisa umanong economic stimulus response ngayong pandemic para mahikayat ang mga mamumuhunan at makapagbigay ng trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay ngayong may national crisis dahil sa COVID-19.

Unang naaprubahan sa Kamara ang CITIRA habang nakabinbin pa rin ito sa Senado.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Marikina Rep. Stella Quimbo, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, pesa, Philippine Economic Stimulus Act of 2020, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Marikina Rep. Stella Quimbo, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, pesa, Philippine Economic Stimulus Act of 2020, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.