Mga residente na nasa GCQ area wala nang matatanggap na pinansyal na ayuda sa pamahalaan

Nilinaw ng Malakanyang na wala nang aasahang pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan ang mga residenteng naninirahan sa general community quarantine area.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, limitado na kasi ang pondong ibinigay ng kongreso.

Asahan na aniya na sa second tranche o ikalawang bugso ng social amelioration program, pero tanging ang mga lugar na lamang na nasa enhanced community quarantine area ang makatatanggap.

Ang Metro Manila, Laguna province at Cebu City ang mananatili sa modified ECQ hanggang sa May 31, 2020.

Dalawangdaang milyong pisong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa SAP sa loob ng dalawang buwan kung saan target na mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda ang mga apektadong pamilya sa loob ng dalawang buwan.

Sa ulat ng DSWD, sinabi nito na naipamihay na ang unang bahagi ng SAP na P100 billion habang ang natitirang kalahati ay para sana ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Roque, ilalaan na lamang ang natitirang pondo sa mga mahihirap na pamilya na naninirahan sa ECQ area.

Gagamitin din ang natitirangg pondo sa limang milyong pamilya na idinagdag sa labingwalong milyong pamilya na nakinabang sa unang tranche ng SAP.

 

 

 

Read more...