US nakapagtala ng mahigit 1,500 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2020 - 10:14 AM

Umabot sa mahigit 1,500 na pasyente ng COVID-19 ang pumanaw sa Estados Unidos sa nakalipas na magdamag.

Sa ngayon umabot na sa 83,377 ang death toll sa US dahil sa sakit.

Mayroon naman itong mahigit 1,408,000 na kaso matapos makapagtala ng mahigit 22,000 na bagong COVID-19 cases sa magdamag.

Nananatiling ang Spain ang pangalawa sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Mayroon na itong mahigit 269,000 cases at mahigit 26,900 ang nasawi.

Malaking bilang naman ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa Russia at ito na ang ikatlo sa mga bansang may pinakamaraming kaso.

Ang Russia ay mayroong mahigit 232,000 COVID-19 cases pero mahigit 2,000 lamang ang death toll nito.

Patuloy din ang pagtaas ng kaso at nasasawi sa United Kingdom.

Mayroon na itong mahigit 226,000 cases at mahigit 30,900 deaths.

 

 

 

TAGS: covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US COVID, covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US COVID

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.