Lalaki sa Boracay na nag-alok ng P100M sa social media para sa makapapatay kay Duterte inaresto ng PNP
Isa pang lalaki na nag-post sa kaniyang social media na magbibigay siya ng pabuya para sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang inaresto ng mga otoridad.
Dinakip si Ronald Quiboyen sa Boracay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.
Si Quiboyen ay nag-post sa kaniyang social media na dodoblehin niya ang P50 million at gagawin niyang P100 million ang pabuya sa makapapatay kay Duterte.
Binanggit pa niya sa kaniyang post na siya ay nasa Boracay.
Kasong inciting to sedition sa ilalim ng Article 142 ng Revised Penal Code ang isinampa laban kay Quiboyen.
Kahapon, isang 25 anyos na guro sa Zambales ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.
Ito ay matapos na mag-post din sa kaniyang social media na magbibigay siya ng P50 million sa sinumang makapapatay kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.