Hindi tayo bumabalik sa normal – PNP
Sa kabila ng bahagyang pagbabago sa pag-iral ng enhanced community quarantine, hindi makaaasa ng normal na pamumumuhay ang publiko.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Chief Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kahit gradually ay mababago ang paghihigpit sa mga umiiral na quarantine ay hindi ibig sabihin nitong balik normal na ang sitwason.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na tuloy ang checkpoints kahit pa sa mga lugar na isasailalim na lamang sa general community quarantine.
Mayroon aniyang ilalabas na alituntunin ang PNP para mas maging malinaw sa mga pulis na nagmamando ng checkpoint ang ipatutupad nilang guidelines.
Dedepende ito sa protocols na mula naman sa Inter Agency Task Force.
“Hindi po tayo bumabalik sa normal, maaring bumaba gradually ang paghihigpit ng quarantine pero sa lahat ng pagkakataon na iyan may responsabilidad tayo,” ayon kay Eleazar.
Dagdag pa ni Eleazar, mananatiling bawal ang pag-aangkas sa motorsiklo kahit sa mga lugar na nasa GCQ na lamang.
Ang pagkakaroon kasi ng angkas sa motorsiklo ay paglabag sa social distancing.
Kahit pa kaanak, o asawa ang iaangkas, sinabi ni Eleazar na paparahin at haharangin pa rin sila sa checkpoint.
Simula sa May 16, mula sa enhanced community quarantine ay modified enhanced community quarantine ang iiral sa Metro Manila, Laguna at Cebu City.
Habang maraming bahagi ng Luzon ang sasailalim sa GCQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.