10 sugatan sa sunog sa Rohingya refugee camp sa Bangladesh
By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2020 - 07:55 AM
Sugatan ang sampung katao sa sunog sa Rohingya refugee camp sa southeastern Bangladesh.
Umabot sa 339 na barong-barong ang natupok sa nasabing sunog.
Ayon sa mga local fire official, sa isang gas cylinder shop nagsimula ang apoy.
Pawang gawa lang sa trapal o mga lumang tarpaulin ang karamihan sa tinitirahan ng refugees kaya naging mabilis ang pagkalat ng apoy.
Ayon kay deputy refugee commissioner Shamsud Douza ang mga nasugatan ay dinala na sa ospital para magamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.