Santa Cruz Islands niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Santa Cruz, Islands Miyerkules (May 13) ng umaga.

Ayon sa US Geological Survey, ang pagyanig ay naramdaman sa Solomon Islands at Vanuatu.

Naitala ito sa layong 384 kilometers ng Luganville, Vanuatu alas 6:41 ng umaga oras sa Pilipinas.

Sa abiso naman ng Phivolcs, hindi magdudulot ng tsunami saanmang baybayin ng bansa ang malakas na pagyanig.

 

 

Read more...