Suspected COVID patient patay matapos tumalon mula sa 4th floor ng ospital sa Cagayan
May 13, 2020 - 06:40 AM
Nasawi ang isang suspected COVID-19 patient sa Cagayan makaraan itong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng ospital kung saan siya ginagamot.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, ang pasyente ay isang 89 anyos na babae na residente ng Tuguegarao City.
Naka-admit ito sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa pagiging suspected COVID-19 patient pa lamang.
Hindi pa kumpirmadong COVID-19 positive nga ang pasyente.
Nangyari ang insidente madaling araw ng Miyerkules, May 13 sa nasabing pagamutan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.