Bagyong Ambo lumakas pa; Signal No. 1 nakataas na sa ilang lugar sa Eastern at Northern Samar
Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Ambo.
Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 410 kilometers east ng Borongan City sa Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.
Itinaas na ng PAGASA ang Trpolica Cyclone Wond Signal Number 1 sa sumusunod na lugar sa Visayas:
Northern portion ng Eastern Samar:
– Jipapad
– Maslog
– Arteche
– San Policarpio
– Oras
– Dolores
– Can-avid
– Taft
– Sulat
– San Julian
– Borongan City
Eastern portion ng Northern Samar – Lapinig
– Gamay
– Mapanas
– Palapag
– Laoang
– Catubig
– Las Navas
Ayon sa PAGASA ngayong araw, makararanas na ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Eastern Visayas.
Bukas naman ay maghahatid na rin ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang bagyong Ambo sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
Ayon sa PAGASA habang papalapit ng Eastern Visayas at Bicol Area ay inaasahang lalakas pa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.