Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,110

By Mary Rose Cabrales May 13, 2020 - 05:16 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (May 12, 3:00 PM) pumalo na sa 1,110 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 234
Laguna – 331
Batangas – 122
Rizal – 350
Quezon – 73

Nasa 377 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 8 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 79
Laguna – 112
Batangas – 55
Rizal – 89
Quezon – 42

Nadagdagan naman ng 2 ang bilang ng nasawi kaya’t umabot na sa 124 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 25
Laguna – 27
Batangas – 19
Rizal – 46
Quezon – 7

TAGS: calabarzon, covid cases, Region 4-A, calabarzon, covid cases, Region 4-A

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.