Ilang lugar sa limang barangay sa QC, isasailalim sa 14-day ‘special concern lockdown’

By Angellic Jordan May 12, 2020 - 11:20 PM

Isasailalim sa 14-day ‘special concern lockdown’ ang 20 parte ng limang barangay sa Quezon City simula sa Miyerkules, May 13.

Ayon sa Quezon City government, ito ay dahil sa mataas na naitatalang kaso ng COVID-19.

Sisimulan ang pagsailalim sa ‘special concern lockdown’ bandang 5:00 ng madaling-araw sa mga sumusunod na barangay:
– Bahay Toro
– Culiat
– Sauyo
– Batasan Hills
– Tatalon

Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, pinili ng City Health Department (CHD) ang mga lugar base sa resulta ng isinagawang community-based testing sa pamamagitan ng Epidemiology and Surveillance Unit (ESU).

Sa halip na magpatupad ng total lockdown sa buong barangay, pagtutuunan aniya ng pansin ang mga partikular na lugar sa loob ng barangay na may clustering ng mga kaso ng COVID-19.

“Isa rin sa titingnan natin ay ang high-density population na hindi nakakapagpractice ng tamang quarantine protocols, kung saan malaki ang posibilidad na magkahawaan, kaya kailangan din sila isama sa containment. Mula doon, higit nating paiigtingin ang community-based testing at pag-quarantine,” pahayag pa ni Kimpo.

Tiniyak naman nito na magbibigay ang QC LGU ng pagkain at iba pang tulong sa mga residenteng maaapektuhan.

Samantala, sinabi naman ni QC-ESU head Dr. Rolly Cruz na magsasagawa ng intensified testing at monitoring sa mga lugar para matiyak na maging COVID-free pagkatapos ng 14-day quarantine period.

Makikipagtulungan ang quarantine officers ng QC Laban COVID-19 team sa QC-ESU upang masiguro ang mahigpit na pagpapatupad ng quarantine rules.

Kasabay nito, umapela naman si Mayor Joy Belmonte sa mga residente sa mga apektadong lugar na makipag-cooperate sa mga hakbang ng QC LGU laban sa COVID-19.

“Kailangan namin ang tulong ng lahat para mapigilan ang pagkalat ng virus na ito. Inaasahan namin ang inyong buong kooperasyon para mapagtagumpayan ang laban kontra COVID,” ani Belmonte.

Sa huling datos hanggang May 11, nasa 21 ang aktibong kaso sa Barangay Bahay Toro; 37 active cases sa Barangay Culiat; 19 sa Barangay Sauyo; 29 sa Barangay Batasan Hills; at 17 naman sa Barangay Tatalon.

TAGS: 14-day special concern lockdown, Barangay Bahay Toro, barangay batasan hills, Barangay Culiat, Barangay Sauyo, Barangay Tatalon, COVID-19 response, Inquirer News, latest news on COVID-19, QC government, Radyo Inquirer news, 14-day special concern lockdown, Barangay Bahay Toro, barangay batasan hills, Barangay Culiat, Barangay Sauyo, Barangay Tatalon, COVID-19 response, Inquirer News, latest news on COVID-19, QC government, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.