Binay sa Rizal, Duterte sa Davao, Miriam sa Pasig at Roxas sa Bicolandia

presidential-aspirants-0210Sa lalawigan ng Rizal nag-ikot si Vice President Jejomar Binay sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya para sa nalalapit na halalan.

Sa harap ng mga taga-Rizal, pinabulaanan ni Binay ang mga balitang kanyang tatanggalin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s na ipinatupad sa ilalim ng administrasyong Aquino at sa halip, kanyang binanggit na dadagdagan pa niya ito.

Samantala, sa Davao City, inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na patuloy pa nilang binubuo ang kanilang line-up para sa mga tatakbong senador sa ilalim ng kanilang partidong PDP-Laban at ibabasura na ang ‘scratch cards’ upang makalikom ng campaign funds.

Sa Pasig Citym kinilala na ng tambalan nina Senador Miriam Defensor-Santiago at Sen. Bongbong Marcos ang mga kandidatong tatakbo bilang senador sa ilalim ng kanilang tiket.

Ang partido Daang Matuwid naman nina Mar Roxas at Leni Robredo ay nag-ikot sa Masbate at Albay.

Naging emosyonal pa si Robredo sa kanyang paggtungo sa Masbate dahil sa karagatang sakop ng lalawigan namatay ang kanyang mister na si dating DILG Sec. Jessie Robredo may apat na taon na ang nakalilipas.

Samantala, wala namang itinakdang ‘sortie’ si Sen. Grace Poe nitong nakalipas na weekend.

Read more...