TD Ambo, posibleng maging Tropical Storm sa susunod na 24 oras; Signal No. 1, maaaring itaas sa Eastern Visayas

By Angellic Jordan May 12, 2020 - 06:23 PM

Mabagal pa rin ang pagkilos ng binabantayang Tropical Depression Ambo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Loriedin De La Cruz na huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometers Silangang bahagi ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 3:00 ng hapon.

Ibig sabihin, sinabi ni De La Cruz na ang sentro ng bagyo ay nasa karagatan pa.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Dahil dito, posible pa aniyang lumakas ang Tropical Depression Ambo at maging Tropical Storm bago mag-landfall sa kalupaan ng bansa.

Sinabi rin ni De La Cruz na maaaring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Eastern Visayas sa Martes ng gabi (May 12).

Sa susunod na 24 oras, patuloy na magdudulot ang trough ng bagyo ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kung minsan ay mabigay na buhos na ulan sa kasagsagan ng thunderstorms sa Mindanao at Eastern Visayas.

TAGS: Bagyong Ambo, BagyongAmboPH, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Depression Ambo, weather update May 12, Bagyong Ambo, BagyongAmboPH, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Depression Ambo, weather update May 12

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.