Health workers na nagpositibo sa COVID-19, 2,067 na – DOH

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ang bilang ng healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umakyat na sa 2,067 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang May 11.

Sa nasabing bilang, 1,389 ang aktibong kaso kung saan 356 ang asymptomatic, 1,026 ang mild at pito ang may severe condition.

Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 631
– Nurse – 759
– Nursing Assistant – 129
– Medical Technologist – 72
– Radiologic Technologist – 39

Sinabi ni Vergeire na paunti na nang paunti ang bilang ng napapaulat na health workers na tinatamaan ng COVID-19.

Samantala, 643 na ang gumaling na health worker habang 35 na ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...