Kamara may mas mahalagang trabaho kaysa sa pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN – Speaker Cayetano
Hindi prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ngayon ang pagsasagawa ng pagdinig sa prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.
Sa statement ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ipinost sa kanyang Facebook, sinabi nito na may mas mahalaga pang kailangang gawin kaysa sa isyu ng ABS-CBN.
Sabi ni Cayetano, “Your House Of The People will put the interest of the Filipino people FIRST, and in these extraordinary times prioritization, fairness and timing is of utmost importance.”
Sa mga nanawagan aniya ng agarang pagdinig sa prangkisa ng broadcast network kabilang na ang mga kasamahan nito na kongresista, malinaw na hindi nangangahulugan na automatic renewal ang pagdinig sa prangkisa ng Lopez-led bnroadcast corporation.
Aminado naman ito na ang ginawa ng National Telecommunication Commission (NTC) at Solicitor General ay kailangang madaliin ang pagresolba sa usapin sabi ni Cayetano may marami pa silang kailangang resolbahin.
“While the deception of the NTC and the meddling of the Solicitor General adds exigency to the matter, there are still other concerns that need to be resolved”, giit ni Cayetano.
Paliwanag pa nito, ang mangyayari lamang naman sa hearing ay makapagharap ng kanilang posisyon ang mga sang-ayon at kontra sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN at kailangan pa rin ng sapat na panahon ng Kongreso upang ito ay mapag-aralan.
Saad pa ng lider ng Kamara, “Without a series of ‘proper’ hearings we will never be able to put an end to the uncertainties and doubt. Did Congress bow to the pressures of the executive department, or to the interests of a powerful and influential media corporation, or did we do our jobs and fulfill our mandate to the Filipino people?”
Nanindigan din ito sa kanilang responsibilidad na tugunan ang nakabinbing usapin sa prangkisa ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.