Post-disaster plan at funds, dapat palakihin ng pamahalaan
Nananawagan ang senatorial candidate at dating pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority na si Francis Tolentino na mas palakihin ang pondo para sa pagtugon sa kalamidad.
Ayon kay Tolentino, kailangang magkaroon ang gobyerno at mga pribadong sektor ng mas pinaigting na post-disaster reconstructive plans para mas maging madali ang pagsa-saayos at pag-bangon ng mga na nasalanta ng kalamidad.
Bilang dating Metro Manila Disaster Risk Reduction Management Council Chief, ito ang nakikita niyang paraan, para maging ang mga pribadong sektor ay madaling makabalik sa normal na operasyon matapos ang disaster.
Aniya, ang pag-hagupit ng kalamidad sa ating ekonomiya at mga imprastraktura ang pumipigil sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng bansa.
Dahil dito, kailangan aniyang magkaroon ng trust fund para sa recovery at reconstruction para sa mga komunidad na nasasalanta ng kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.