Malaking bahagi ng Luzon kabilang ang CALABARZON at Region 3 sasailalim na lang sa GCQ

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 12:44 PM

General Community Quarantine na lamang o GCQ ang iiral sa malaking bahagi ng Luzon.

Ang GCQ ay paiiralin sa mga lalawigan na itinuturing na lamang na moderate risk sa COVID-19.

Kabilang sa sasailalim sa GCQ hanggang sa May 31, 2020 ang mga sumusunod na lalawigan:

CAR
– Abra
– Apayao
– Benguet
– Ifugao
– Kalinga
– Mountain Province
– Baguio City

REGION II
– Batanes
– Cagayan
– Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Santiago City

REGION III
– Aurora
– Bataan
– Bulacan
– Nueva Ecija
– Pampanga
– Tarlac
– Zambales
– Angeles City
– Olongapo City

REGION IV-A
– Cavite
– Quezon
– Rizal
– Batangas
– Lucena City

VISAYAS
– Bohol
– Cebu
– Negros Oriental
– Siquijor
– Mandaue City
– Lapu-Lapu City

MINDANAO
REGION IX
– Zamboanga Del Norte
– Zamboanga Del Sur
– Zamboanga Sibugay
– Isabela City

REGION XI
– Davao City
– Davao De Oro
– Davao Del norte
– Davao Del Sur
– Davao Occidental
– Davao Oriental

CARAGA
– Agusan Del Norte
– Agusan Del Sur
– Dinagat Islands
– Surigao Del Norte
– Surigao Del Sur
– Butuan City

Sa ilalim ng GCQ, magkakaroon na ng limitadong movement ng mga mangagagawa.

Papayagan na ang operasyon ng government offices at mga industriya hanggang sa 75 percent ng kanilang workforce.

Magkakaroon din ng limitadong transporting services para sa pagbiyahe ng mga papasok sa trabaho sa pribadong sektor at gobyerno.

Magkakaroon naman ng flexible learning arrangements para sa mga mag-aaral.

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na ibinase sa siyensya ang pagpapasya sa mga lugar na ituturing na lamang na moderate risk.

Kabilang sa pinagbatayan ang pagkakaroon ng local quarantine facilities sa mga lokalidad.

Pinagbatayan din ang mababang datos ng nadaragdag sa bilang ng kaso ng COVID-19.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, moderate risk, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, moderate risk, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.