BREAKING: Modified ECQ mananatili sa buong Metro Manila, Laguna at Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 12:27 PM

Tuloy ang pag-iral ng enhanced community quarantine sa Metro Manila, Laguna at Cebu City.

Ang pagpapalawig ng ECQ sa nasabing mga lugar ay tatagal hanggang sa May 31, 2020.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ‘modified’ EQC na ang iiral sa NCR, Laguna at Cebu City at may mga pagbabagong ipatutupad sa mga umiiral na guidelines.

Sa ilalim ng modified ECQ may ilang industriya nang bubuksan hanggang sa maximum na 50%.

Magkakaroon na rin ng limitadong transporting services para sa essential goods at services.

Sa ilalim ng modified ECQ ay mananatiling suspendido ang pagdaraos ng physical classes.

Ayon kay Roque, isasapinal ng Inter Agency Task Force ngayong araw kung anu-anong maufacturing at processing services ang papayagan na makapagbukas na at makapag-operate sa ilalim ng modified ECQ.

Binibigyang kapangyarihan naman ang mga lokal na pamahalaan napanatilihin ang ECQ sa mga nasasakupan nilang barangay kung sa tingin nila ay kinakailangan.

 

 

 

 

TAGS: Cebu City, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, laguna, Metro Manila, modified ECQ, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cebu City, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, laguna, Metro Manila, modified ECQ, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.