Lalaking nag-post sa Twitter na bibigyan niya ng pabuya ang makapapatay kay Duterte arestado ng NBI

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 12:11 PM

Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nag-post sa kaniyang Twitter na magbibigay siya ng pabuya sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Gamit ang Twitter handler na @RonPrince_ ay nag-post ang 25 anyos na guro na si Ronnel Mas ng “I will give P50M reward kung sino makakapatay kay Duterte.”

Ang nasabing post ay noong May 5, 2020 na nilagyan niya ng hashtag na NoToABSCBNShutDown.

Agad namang natunton ng NBI ang kinaroroonan ni Mas at ito ay inaresto.

Naiiyak naman na humingi ng tawad si Mas kay Duterte sa kaniyang nagawa.

Aniya hindi niya intensyon ang post na iyon sa kaniyang Twitter.

Nabatid na si Mas ay isang secondary teacher sa paaaralan sa Zambales.

 

 

TAGS: NBI, ronnel mas, NBI, ronnel mas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.