Ayon kay Herrera, dapat ngayon pa lamang ay may nakatabing pondo na para sa COVID-q9 vaccine para sakaling ma-develop na ang bakuna ay mayroon na agad na pambili nito ang bansa.
Sa oras na magkaroon aniya ng bakuna sa COVID-19 ay dapat na fully-subsidized ito ng gobyerno kung ang vaccine ay magmumula sa mga pampublikong ospital at pasilidad.
Sakali namang pribadong pagamutan ang nag-aalok ng COVID-19 vaccine, bagamat may bayad ay dapat partial covered ito PhilHealth.
Binigyang diin pa ng mambabatas na bawat oras ay mahalaga at anumang delay para tugunan ang problema sa pandemic ay buhay ang magiging kapalit.
Sa ngayon ay patuloy ang vaccine trials para sa COVID-19 at inaasahang dahil sa global efforts ay madedevelop sa lalong madaling panahon ang bakuna laban sa coronavirus disease.