Gobyerno pinaghahanda ng pondo para sa COVID-19 vaccine

By Erwin Aguilon May 12, 2020 - 11:54 AM

Hinimok ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang gobyerno at mga local government units na maghanda ng pondo para sa bakuna ng COVID-19.

Ayon kay Herrera, dapat ngayon pa lamang ay may nakatabing pondo na para sa COVID-q9 vaccine para sakaling ma-develop na ang bakuna ay mayroon na agad na pambili nito ang bansa.

Sa oras na magkaroon aniya ng bakuna sa COVID-19 ay dapat na fully-subsidized ito ng gobyerno kung ang vaccine ay magmumula sa mga pampublikong ospital at pasilidad.

Sakali namang pribadong pagamutan ang nag-aalok ng COVID-19 vaccine, bagamat may bayad ay dapat partial covered ito PhilHealth.

Binigyang diin pa ng mambabatas na bawat oras ay mahalaga at anumang delay para tugunan ang problema sa pandemic ay buhay ang magiging kapalit.

Sa ngayon ay patuloy ang vaccine trials para sa COVID-19 at inaasahang dahil sa global efforts ay madedevelop sa lalong madaling panahon ang bakuna laban sa coronavirus disease.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, fund for vaccine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, fund for vaccine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.