Bagyong Ambo napanatili ang lakas; signal #1 itataas sa ilang bahagi ng Eastern Visayas

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 11:27 AM

Napanatili ng tropical depression Ambo ang lakas nito habang halos wala itong galawan sa Philippine Sea.

Sa 11AM severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 385 kilometers east ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Ngayong araw inaasahang magtataas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang bahagi ng Eastern Visayas.

Sa susunod na mga oras ay lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm.

Sa loob ng susunod na 24 na oras ang buntot o extension ng bagyo ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez sa Huwebes ng hapon o gabi ay tatama sa kalupaan sa Bicol Region ang bagyo.

Sa Biyernes naman ayon sa PAGASA ay inaasahang lalapit ng Metro Manila ang bagyo dahil ang sentro nito ay nasa bahagi na ng Alabat, Quezon.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression Ambo, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression Ambo, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.