2nd o 3rd wave ng COVID-19 hindi kakayanin ng bansa – Pangulong Duterte
Hindi na kakayanin ng gobyerno ang 2nd o 3rd wave ng COVID-19.
Kaya apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayan sundin ang mga guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan kasabay ng pagtugon sa mga kaso ng sakit sa bansa.
Sa kaniyang public address sinabi ng pangulo na sa pagpapagaan ng restrictions sa ilang mga lugar, dapat mahigpit pa ring sundin ang mga patakaran.
Ang mga mga bawal pa ding lumabas ay dapat manatili sa kanilang mga bahay habang ang mga pwede nang lumabas ay dapat palagiang may suot na face mask.
Sinabi ni Duterte na hindi na kakayanin pa ng bansa kung may mangyayaring 2nd o 3rd wave ng sakit.
Maliban sa pagiging new normal ng pagsusuot ng face mask ay magiging bahagi na rin aniya ng pang-araw araw na pamumuhay ng tao ang social distancing.
Ayon sa pangulo, ito ay hanggang sa hindi pa nakatutuklas ng bakuna at gamot panlaban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.