Umaapela ang Malakanyang sa publiko na iwasan na maging pasaway para humupa na ang problema sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa kamay ng taong bayan ang pagsasailalim sa mga lugar mula sa enhanced community quarantine patungo sa general community quarantine.
Giit ni Roque, hindi na babalik sa normal ang pamumuhay ng tao hangga’t walang naiimbentong bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Roque, kung patuloy na magiging pasaway ang tao at hindi susunod sa social distancing at proper hygiene, ilalabas ng palasyo sa mga susunod na araw ang ulat kung ilan ang posiblenag matamaan ng COVID-19 at kung paano mauubos ang kapasidad ng pamahalaaan na matugunan ang naturang problema.
Nasa kamay ng tao aniya ang pagpapasya kung tataas o bababa ang kaso ng COVID-19.