Pangulong Duterte wala pang pasya sa petsa ng pagbabalik ng klase

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 09:17 AM

FILE PHOTO

Wala pang pasya si Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan magsisimula ang klase para sa school year 2020-2021.

Kasunod ito ng pahayag ng Department of Education (DepEd) na sa Agosto ang pagbabalik-klase ng mga mag-aaral.

Habang ang mga pribadong paaralan ay pwede nang magbalik-klase sa June pero wala munang face-to-face class.

Ayon sa pangulo naniniwala siyang hindi na talaga kayang maisulong ang pagbabalik eskwela sa Hunyo dahil sa banta ng COVID-19.

“Kayong mga estudyante makinig kayo, kung sabihin ko sa inyo na hanggang Disyembre walang klase anong gagawin ninyo ngayon? tatalon, palakpak!,” pahayag ng pangulo sa kaniyang public address.

 

 

 

 

 

TAGS: class resume, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, School Year 2020-2021, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, class resume, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, School Year 2020-2021, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.