Lingig, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Lingig sa Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 63 kilometers Northeast ng Lingig, alas-7:04 umaga ng Martes (May 12).

May lalim na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...