outbrain

Kai Sotto sasali sa NBA G-League

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 06:46 AM SHARE(S):

Nagpasya na si Kai Sotto na sumali sa NBA G-League pro program.

Ayon sa ulat ng “The Athletic”, sasali si Sotto sa G-League squad sa Southern California.

Ang 7-foot-2 na si Sotto ay naglaro sa Ateneo De Manila High School.

Naging kinatawan din siya ng Pilipinas sa FIBA U-19 World Cup noong nakaraang taon.

18-anyos pa lamang si Sotto at nasa number 62 sa ranking ng ESPN sa Top 100 high school players noong 2020.

Simula noong nakaraang taon ay nasasanay na si Sotto sa US at target talaga niyang makapasok sa NBA.

 

 

 

TAGS: basketball, G-League squad, Inquirer News, kai sotto, NBA, NBA G-League, News in the Philippines, Radyo Inquirer, southern california, Tagalog breaking news, tagalog news website, basketball, G-League squad, Inquirer News, kai sotto, NBA, NBA G-League, News in the Philippines, Radyo Inquirer, southern california, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.