180 na Korean nationals at Japanese nationals na stranded sa bansa napauwi sa kanilang bansa
By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 06:36 AM
Aabot sa 180 Korean nationals at Japanese nationals ang naasistihan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para makauwi sa kanilang mga bansa.
Kabilang sila sa mga dayuhan na na-stranded sa Pilipinas mula nang magpatupad ng enhanced community quarantine sa maraming lugar.
Kapwa nagpadala ng evacuation flight ang dalawang bansa para sunduin ang mga stranded nilang mamamayan.
Mula sa Mactan-Cebu International Airport ay nakabiyahe na sila patungong Incheon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.