TD Ambo magiging severe tropical storm; lalapit sa Metro Manila sa Biyernes

By Dona Dominguez-Cargullo May 12, 2020 - 05:53 AM

Patuloy na lalakas ang tropical depression storm at inaasahang maaabot nito ang severe tropical storm category.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyong Ambo ay huling namataan sa layong 285 kilometers east northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur o sa layong 340 kilometers east ng Surigao City.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Sa ngayon, tanging ang Mindanao ang apektado ng pag-ulan dulot ng trough o buntot ng bagyo.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, sa susunod na 24 na oras magiging tropical storm ang bagyo.

Ngayong araw ay maaring magtaas na ng tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang bahagi ng Eastern Visayas.

Sa Huwebes ng umaga ay mas lalakas pa ito at magiging isang severe tropical storm bago tumama sa kalupaan sa boundary ng Sorsogon at Albay.

Sa Biyernes naman ng umaga inaasahang pinakamalapit sa Metro Manila ang bagyo dahil ang sentro nito ay nasa San Narciso, Quezon na.

Mula sa Quezon ay dadaan ang bagyo sa hilagang bahagi ng Metro Manila palabas ng West Philippine Sea.

Sa Linggo pa ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

 

TAGS: ambo, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Severe tropical storm, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather, ambo, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Severe tropical storm, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.