Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 88 kilometers Northeast ng Baganga, alas-4:10 madaling araw ng Martes (May 12).

May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

\

 

 

Read more...