36 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila; Kabuuang bilang, nasa 912 na
Karagdagang 36 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (May 11), umakyat na sa 912 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 686 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 176 cases.
Sumunod dito ang Sampaloc na may 123 na kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 126 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,039 ang suspected cases.
Umakyat naman sa 142 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at nanatili sa 84 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.