Ilang lalawigan sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan
Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:15 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Zambales, Cavite at Batangas.
Maliban dito, uulanin din ang Angat, Bulacan at Rodriguez, Rizal.
Sinabi ng PAGASA na iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Nagbabala ang weather bureau sa mga residente sa nabanggit na luhar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.