BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa higit 11,000
Sumampa na sa mahigit 11,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (May 11), pumalo na sa 11,086 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
292 ang panibagong nadagdag na kaso ng COVID-19 pandemic sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa 292 bagong kaso, 162 o 56 porsyento ay naitala sa National Capital Region, 74 o 25 porsyento sa Region 7, at 56 o 19 porsyento sa iba pang lugar.
Pito namang pasyente ang nasawi dahilan kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 726 na.
Samantala, sinabi ng DOH na 75 namang pasyente ang bagong gumaling sa COVID-19.
Dahil dito, 1,999 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.