COVID-19 cases sa Davao City, 161 na

Umabot na sa 161 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Davao City.

Ayon sa Davao City government batay sa datos ng Southern Philippines Medical Center, naitala ang nasabing bilang ng kaso hanggang 8:00, Lunes ng umaga (May 11).

Sa nasabing bilang, 57 ang aktibo pang kaso sa lugar.

Samantala, nasa 81 ang mga naka-recover na habang 22 ang nasawi bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...